1. Paano mag-download ng eCebuana mobile app?
- Step 1: Pumunta sa Google Play Store or Apple App Store
- Step 2: Hanapin ang “eCebuana” mobile app.
- Step 3: I-download ang app at i-install sa iyong device
2. Magagamit ba ang eCebuana App sa abroad?
Sa ngayon, ang eCebuana app ay available lamang sa loob ng Pilipinas at hindi maa-access mula sa ibang bansa.
3. Ano ang minimum Requirement version ng iOS at Android para mai-install ang eCebuana?
Para ma-install ang eCebuana app, siguraduhing ang iyong device ay:
- Android version 6.0 o mas mataas
- iOS version 15.5 o mas mataas
I-update ang operating system ng iyong device kung kinakailangan para magamit ang app nang maayos.
4. Sino ang pwedeng mag-register sa eCebuana App?
- Para makapag register siguraduhin na ikaw ay:
- Filipino Citizen
- At least 18 years old
- Currently residing in the Philippines
5. Paano mag register sa eCebuana mobile App?
Sa Log in screen ng eCebuana App, Iclick ang “CREATE AN ACCOUNT” at sundin ang mga sumusunod:
- Step 1: Click “NO” sa tanong na kayo ba ay existing Savings Account client.
- Step 2: I-enter ang iyong mobile number at i-click ang “NEXT”.
- Step 3: I-input ang natanggap na OTP at kumpletuhin ang mga hinihingi na mga impormasyon. Pagkatapos ay i-click ang “Next”.
- Step 4: I-review ng mabuti kung tama ang mga nailagay na impormasyon at i-click ang “CONFIRM”.
- Step 5: Basahin ang terms and conditions at i-click ang “Agree to All”.
- Step 6: Mag nominate ng iyong 6 digit log in PIN at iconfirm.
- Step 7: Success! I-click ang “Verify my Account” para maging fully verified o “Skip for now” para masimulan ang pag-navigate at pag-explore sa iba't ibang features ng eCebuana app.
6. Paano makapag-register sa eCebuana gamit ang 24k Card?
- Sa Log in screen ng eCebuana App, Iclick ang “CREATE AN ACCOUNT” at sundin ang mga sumusunod:
-
- Step 1: Click “YES” sa tanong na kayo ba ay existing Savings Account client.
- Step 2: I-input ang 24K card number.
- Step 3: I-input ang one-time password (OTP).
- Step 4: I-input o i-tap ang calendar icon at piliin ang petsa ng iyong kapanganakan.
- Step 5: Mag nominate ng iyong 6 digit log in PIN at i-confirm.
- Step 6: Basahin ang terms and conditions and i- click ang “I Agree to all”.
- Step 7: Success! I-click ang “Explore eCebuana” upang masimulan ang pag-navigate at pag-explore sa iba't ibang features ng eCebuana app.
7. Bakit hindi ako makapagregister sa eCebuana App?
Kung hindi ka makapag-register sa eCebuana app, i-check ang mga sumusunod:
1: Internet connection
Siguraduhing may malakas kang internet. Subukang kumonekta sa Wi-Fi o gumamit ng stable na mobile data.
2: Mali ang input ng mobile number
I-double check kung tama ang pagkaka-type ng iyong mobile number.
3: Hindi registered ang sim card
Siguraduhing rehistrado na ang iyong SIM card ayon sa SIM Registration Act.
4: Expired ang 24K card
May expiration ang 24K card — makikita ito sa harap ng card. Kung expired na, pumunta sa pinakamalapit na Cebuana branch para mapalitan.
5: Mali ang input ng 24K card
Siguraduhing tama ang 16-digit number na inilagay — ito ay makikita sa harap ng iyong 24K card.
6: Hindi match ang date of birth
Kung may existing 24K account ka, tiyaking ang date of birth na inilalagay mo sa eCebuana app ay kapareho ng nasa branch records. Kung hindi tumutugma, mag-update sa pinakamalapit na branch.
7: Ikaw ay nagpaparegister abroad
Available lamang ang eCebuana App 3.0 sa loob ng Pilipinas. Hindi ito maa- access sa ibang bansa.
8: Expired na ang ID na iyong nasubmit
Siguraduhing valid at hindi expired ang ID na iyong isinusumite para maiwasan ang verification issues.
8. Paano maging fully verified?
- Step 1: Mag log in sa eCebuana App gamit ang iyong 6 digit Log in PIN.
- Step 2: I-click ang “Let's go”
- Step 3: I-fill out at i-lagay ang mga personal information na hinihingi. Pagkatapos ay i-click ang “All good!” upang magpatuloy.
- Step 4: Pumili ng uri ng valid ID, at kuhanan ng malinaw na litrato ang harap at likod nito. Para sa listahan ng tinatanggap na IDs, tingnan ang ID section.
- Step 5: Hintayin ma-process ang selfie verification, i-double check ang ID number mo, pagkatapos ay pindutin ang “Next”
- Step 6: I-click ang “Get Started” para sa selfie at liveness check.
- Step 7: Sagutan ang Customer Risk Profiling at ang FATCA Declaration.
- Step 8: Hintayin ang confirmation na fully verified na ang iyong account sa loob ng dalawang araw (48 hours) matapos mong makumpleto ang registration.
9. Bakit kailangan ko maging fully verified?
Ang Know-Your-Client (KYC) o verification process ay isang requirement ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ang prosesong ito ay mahalagang gawin upang masiguradong ang isang user ay lehitimo.
Kung ikaw ay fully verified automatic magka- karoon ka ng regular wallet at visa virtual card na naka-link sa iyong eWallet account.
Ang mga sumusunod ay ang mga features na pwede ma-access ng basic wallet at fully verified wallet.- Basic Wallet:
1. Cash-In
Allows eCebuana app users to fund their eCebuana wallet through different cash in options to choose from.
2. Pay Bills
Allows client to pay for a specific biller through the list of billers available
3. Buy Load
Allows eCebuana app users to top up credits to prepaid telco and non- telco products
Fully Verified Wallet:
1. Cash-in
Allows eCebuana app users to fund their eCebuana wallet through different cash in options to choose from.
2. Buy Load
Allows eCebuana app users to top up credits to prepaid telco and non- telco products
3. Send Money
Enables users to transfer funds to other eCebuana domestically through different options
4. Pay Bills
Allows client to pay for a specific biller through the list of billers available.
5. Receive Money
Allows clients to receive money from remittance partners
6. Pay via QR Code
Allows eCebuana app users to make payment to CLB acquired merchants and other bank’s through scanning of QR PH code.
7. Online Purchase
Send money through different payment gateways using eCebuana App.
10. Ano ang pinagkaiba ng Basic Wallet sa Fully verified Wallet in terms of Features at Limits?
Basic Wallet User
Ikaw ay maaring gumamit ng mga basic services tulad ng Cash-In via Instapay, Cash-In via Savings account, Pay Bills, at Buy Load . Mayroong daily at monthly limit na 5,000. Para sa karagdagang detalye, tingnan ang table sa ibaba.
Service Maximum Amount per Month Daily Limit Monthly Average Limit Cashin 5,000 5,000 5,000 Buy Load Telco 1,000 5,000 5,000 Non-Telco 5,000 5,000 5,000 Pay Bills 5,000 5,000 5,000 Fully Verified
Maaari mo ng gamitin ang iba pang features at services ng eCebuana App katulad ng Send Money, mag claim ng remittance (Receive Money), at pay via QR. Magkakaroon ka din ng mas mataas na transaction limit. Para sa karagdagang detalye, tingnan ang table sa ibaba.
Service Maximum Amount per Month Daily Limit Monthly Average Limit Cash-In 50,000 100,000 100,000 Receiving (EFT) 20,000 50,000 100,000 Send Money 50,000 50,000 100,000 Buy Load Telco 1,000 20,000 N/A Non-Telco 50,000 50,000 N/A Receive Money Domestic 50,000 50,000 100,000 International 50,000 50,000 100,000 Pay Bills 50,000 50,000 N/A QR Pay 50,000 50,000 100,000 Online Purchases 50,000 50,000 100,000 11. Anu-ano ang mga valid IDs na pwedeng magamit sa verification?
- Passport
- Driver's License
- Professional Regulation Commission (PRC) ID
- National Bureau of Investigation (NBI) Clearance
- Police Clearance
- Postal ID (issued 2016)
- Voter's ID
- Barangay Certification
- Government Service Insurance System (GSIS) e-Card
- Unified Multipurpose ID (UMID)
- Senior Citizen Card
- Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID
- PhilSys ID / National ID
- PhilHealth ID
- OFW ID
- Seaman's Book
- Alien Certification of Registration / Immigrant Certificate of Registration
- Home Development Mutual Fund (HDMF) ID
- ID issued by National Council for Welfare of Disabled Persons (NCWDP) or PWD ID
- Department of Social Welfare and Development (DSWD) Certification
- Integrated Bar of the Philippines ID
- Firearms License
- Tax Identification Number (TIN) ID Card
- Company ID issued by Covered Persons registered with and supervised or regulated by the BSP (e.g. Banks), SEC (registered businesses), or Insurance Commission (Insurance Companies) Student ID duly signed by the principal or head of school (only for students who are beneficiaries of remittances / fund transfers)
12. Bakit nareject ang aking applicationp para ako ay maging Fully Verified User?
Kung nareject ang iyong request para maverify ang account, maaaring ito ay dahil sa sumusunod
- Ang impormasyon na isinumiteng ID ay hindi nagtutugma sa registered details sa eCebuana App.
- Ang ID na na-isubmit ay expired na.
- Maaaring ang iyong mobile number ay nag-violate sa mga terms and conditions ng eCebuana.
13. Ano ang difference ng eWallet sa Savings Account ng eCebuana App?
Ang eCebuana app ay may dalawang pangunahing features: ang eWallet at ang savings account.
Ang eWallet ay kadalasang ginagamit para sa mga online payments at paglipat ng pondo sa ibang users. Ito ay non-interest bearing at may dalawang uri—basic at regular wallet—na may kanya-kanyang limitasyon depende sa level ng verification.
Samantala, ang savings account ay isang interest-bearing account na maaaring ma-unlock kapag dumaan ang user sa masusing proseso ng identity verification. Ito ay mainam gamitin para sa pag-iipon.
14. Paano makikita ang Transaction History ng aking account?
Sundin ang mga sumusunod para makita ang iyong mga transactions:
- Step 1: Mag-login sa eCebuana App.
- Step 2: Pindutin ang “History” na nasa homepage.
- Step 3: Piliin kung anong transactions under sa Wallet o Savings account ang gusto mong makita. Ang iyong mga transaction ay real time na mag-re-reflect sa iyong transaction history.
15. Paano ako makakapag cash-in sa aking wallet gamit ang InstaPay?
Sundin ang mga sumusunod upang makapag-cash-in sa eCebuana wallet gamit ang InstaPay:
- Step 1: Mag-log in sa iyong Mobile/Online Banking App
- Step 2: I-click ang Transfer/Send Money to other Banks via InstaPay.
- Step 3: Piliin ang Cebuana Lhuillier Bank.
- Step 4: Ilagay ang amount at ang iyong account details.
- Step 5: I-click ang Confirm at Submit button.
- Step 6: Success! I-check ang eCebuana app para maverify if pumasok ang iyong fund transfer transaction.
16. Paano magcash-in to wallet from Savings Account?
Sundin ang mga sumusunod upang makapag-cash-in sa iyong wallet gamit ang iyong Savings Account:
- Step 1: Mag-login sa eCebuana App.
- Step 2: Pindutin ang “Cash In”.
- Step 3: I-select ang “Cash in from my Savings”.
- Step 4: Ilagay ang amount na gusto mong i-cash-in.
- Step 5: Kumpirmahin kung tama ang mga detalye at i-click ang “All good!”
- Step 6: I-click ang “All good!” at i-enter ang OTP.
- Step 7: Success! I-check ang wallet account para sa updated na available balance.
17. Hindi ako makapag-cash in
SuMaaaring dahilan ang mga sumusunod kaya hindi ka makapag-cash in sa iyong e-wallet:
- Kulang o walang balanse ang iyong Savings Account.
- Sumobra sa amount na maaari mong I-cash-in sa isang araw - 5,000 para sa Basic Account at 100,000 naman para sa Fully Verified Account
18. Paano magbayad ng bills gamit ang eCebuana App?
Upang makapagbayad ng bills gamit ang eCebuana app, gawin lamang ang mga sumusunod na steps:
- Step 1: Maglog-in sa eCebuana App at i-click ang Pay Bills.
- Step 2: Hanapin sa search bar o piliin under Categories ang iyong biller.
- Step 3: Piliin ang iyong Biller.
- Step 4: Piliin ang source account (kung wallet o savings) at ilagay nang tama ang mga hinihinging detalye.
- Step 5: I-check kung tama ba ang impormasyon, at i-click ang “All good!”.
- Step 6: Ilagay ang OTP na marereceive sa iyong mobile number at iclick ang “Submit”.
- Step 7: Success! Hintayin ang confirmation ng bayad.
19. Maaari ba akong magbayad gamit ang eCebuana kahit lagpas na sa due date?
Depende ito sa iyong biller.
May mga biller na tumatanggap pa rin ng bayad kahit overdue na, habang ang iba naman ay hindi. Para sa mga overdue na bayarin—lalo na sa kuryente, telepono, at internet—inirerekomenda naming magbayad na lamang direkta sa mismong biller o service provider upang maiwasan ang abala.
20. Hindi ako makapagbayad gamit ang Pay Bills feature.
Ang sumusunod ay ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi ka makapagbayad ng bills gamit ang eCebuana:
- Kulang o walang laman ang iyong Wallet o Savings Account.
- Naabot mo na ang daily limit para sa Pay Bills.
21. Paano mag-buy load sa eCebuana App?
Upang makabili ng iyong mobile load (telco at non-telco) gamit ang eCebuana App, gawin lang ang mga sumusunod:
- Step 1: Mag-login sa eCebuana App.
- Step 2: I-click ang “Buy Load”
- Step 3: Piliin ang iyong network provider
- Step 4: I-type ang mobile number na nais loadan. Pagkatapos ay pindutin ang “Next” para tumuloy.
- Step 5: Piliin ang preferred load type - Regular o Special.
- Step 6: I-click and “Next” upang tumuloy.
- Step 7: I-review ang details ng transaction, pindutin ang “All good!” para tumuloy.
- Step 8: Success! Hintayin ang confirmation ng successful credit ng load.
22. Hindi ako makapagload, ano ang dapat kong gawin?
Kung hindi makapag-load gamit ang Buy Load feature ng eCebuana app, mainam na i-check ang mga sumusunod:
- Siguraduhing tama at active ang mobile number na niloloadan.
- Tiyaking sapat ang balance sa eCebuana Wallet para sa load amount at anumang applicable transaction fees.
- I-check kung pasok sa daily o transaction limit ng wallet ang halaga ng load na bibilhin.
- Siguraduhing maayos at stable ang internet connection.
- Tiyaking updated ang eCebuana app sa pinakabagong version.
23. Paano ako makakapag-send ng pera from My eCebuana wallet to My Savings?
Upang makabili ng iyong mobile load (telco at non-telco) gamit ang eCebuana App, gawin lang ang mga sumusunod:
- Step 1: I-open at mag-log in sa iyong eCebuana app.
- Step 2: I-click ang “Send Money”. Piliin ang “Send Money to my Savings”, pagkatapos ay pindutin ang Send from “My Wallet”.
- Step 3: Ilagay ang Amount at Remarks (optional). Pagkatapos ay isend ang “Next”.
- Step 4: I-review ang details ng transaction, pindutin ang “All good!” para tumuloy
REMINDER:
Hintayin ang confirmation na successful ang transfer.
24. Paano makapag transfer from My Savings to other eCebuana Savings?
- Step 1: I-open at mag-log in sa iyong eCebuana app.
- Step 2: I-click ang “Send Money”. Piliin ang “Send Money to other Savings”, pagkatapos ay pindutin ang Send from “My Savings”.
- Step 3: I-enter ang Savings Account under “Send to (Savings Account No)” at ilagay ang ibang detalye.
- Step 4: I-review ang details ng transaction, pindutin ang “All good!” para tumuloy.
- Step 5: I-input ang na-receive na OTP.
REMINDERS:
Hintayin lamang ang confirmation na successful ang transfer.
25. Paano makapag transfer from eCebuana Wallet to other eCebuana wallet?
- Step 1: I-open at mag-log in sa iyong eCebuana app.
- Step 2: I-click ang “Send Money”. Piliin ang “Send Money to other Wallet”, pagkatapos ay pindutin ang Send from “My Wallet”.
- Step 3: Ilagay ang wallet account number under “Send to (Wallet Account No) at punan ang ibang detalye
- Step 4: I-review ang details ng transaction, pindutin ang “All good!” para tumuloy.
- Step 5: I-input ang na-receive na OTP.
REMINDERS:
Hintayin lamang ang confirmation na successful ang transfer.
26. Paano makapagtransfer from My Savings to other eCebuana wallet?
- Step 1: I-open at mag-log in sa iyong eCebuana app.
- Step 2: I-click ang “Send Money”. Piliin ang “Send Money to other Wallet”, pagkatapos ay pindutin ang “Send from My Savings”.
- Step 3: Ilagay ang wallet account number under “Send to (Wallet Account No) at ang iba pang detalye.
- Step 4: I-review ang details ng transaction, pindutin ang “All good!” para tumuloy.
- Step 5: I-input ang na-receive na OTP.
REMINDERS:
Hintayin lamang ang confirmation na successful ang transfer.
27. Paano makapag-send ng pera sa ibang InstaPay participating banks or eWallet?
Sundin ang mga sumusunod na steps sa pagtransfer ng pera mula sa iyong eCebuana wallet papunta sa ibang instapay participating banks:
- Step 1: I-open at mag-log in sa iyong eCebuana app.
- Step 2: I-click ang “Send Money” para tumuloy.
- Step 3: Pindutin ang “Send money to other banks.”
- Step 4: Piliin o i-search ang InstaPay participating bank or eWallet kung saan mo nais mag-transfer ng pera.
- Step 5: Piliin ang source account na gagamitin (kung wallet o savings) at i-input ang mga mandatory fields. Pagkatapos, i-click and “Next” para magpatuloy
- Step 6: I-review ang details ng transaction, pindutin ang “All good!” para tumuloy.
- Step 7: I-enter ang na-receive na OTP.
REMINDERS:
Hintayin lamang ang confirmation na successful ang transfer.
28. Hindi ako makapag transfer sa ibang eCebuana wallet
Kung hindi magamit ang Send Money feature ng eCebuana app, mainam na i-check ang mga sumusunod.
- I-check ng mabuti ang mobile number, account number at eCebuana wallet account na iyong pagtatransferan.
- Siguraduhin na ang eCebuana App account balance ay sapat.
- Siguraduhin na pasok sa limit ng wallet ang transaction na ginagawa.
- I-check mabuti kung nalagyan ang mandatory fields.
- Tingnan din na ang app version na iyong gamit ay updated sa latest version.
29. Maaari ba akong magpadala sa ibang e-wallet?
Yes, gamit ang “Send Money to other Banks” via InstaPay
30. Paano makapag-bayad gamit ang QR code sa eCebuana?
Para magamit ang Pay QR, pumunta lamang sa isa sa aming partner merchant at ihanda ang iyong mobile device. Maaaring gamitin ang eCebuana App sa pagbabayad sa mga kinikilalang eCebuana merchants, tulad ng mga tindahan ng pagkain, grocery, at pananamit.
Sundin ang mga sumusunod upang makapag-transact gamit ang Pay QR ng eCebuana:
- Step 1: Buksan at mag log-in sa eCebuana app.
- Step 2: Pindutin ang QR
- Step 3: I-activate ang camera at i-tapat ito sa QR code ng merchant para makapag-scan.
- Step 4: Piliin ang source account kung wallet o savings at Ilagay ang amount ng babayaran. Pagkatapos ay pindutin ang “Next.”.
- Step 5: I-review ang details ng transaction, pagkatapos ay pindutin ang “All good!”.
- Step 6: I-enter ang na-receive na OTP.
- Step 7: Success! Hintayin ang confimation ng pagbayad.
31. Paano makatanggap ng domestic padala from Cebuana Lhuillier papunta sa eCebuana?
- Step 1: I-open at mag-log in sa iyong eCebuana app.
- Step 2: Piliin ang “Receive Money”.
- Step 3: I-select ang “Cebuana Lhuillier.”
- Step 4: Pumili kung sa Wallet o Savings mo gustong matanggap ang pera.
- Step 5: Punan ang mga required na detalye, i-review at i-click and “All good!” para tumuloy.
- Step 6: I-enter ang na-receive na OTP.
- Step 7: Success! Tignan ang iyong napiling destination account para ma-check ang claimed remittance.
32. Paano makatanggap ng padala mula sa Bank Albilad?
- Step 1: I-open at mag-log in sa iyong eCebuana app.
- Step 2: Piliin ang “Receive Money”.
- Step 3: I-select ang “Bank Albilad.”
- Step 4: Pumili kung sa Wallet o Savings mo gustong matanggap ang pera.
- Step 5: Ilagay ang Receive Amount, Control Number at Purpose of Transaction.
- Step 6: I-enter ang na-receive na OTP.
- Step 7: Success! Tignan ang iyong napiling destination account para ma-check ang claimed remittance
33. Paano magreceive ng remittance from Quikz?
- Step 1: I-open at mag-log in sa iyong eCebuana app.
- Step 2: Piliin ang “Receive Money”.
- Step 3: Piliin ang “Quikz US”.
- Step 4: Pumili kung sa Wallet o Savings mo gustong matanggap ang pera.
- Step 5: Ilagay ang Receive Amount, Control Number at Purpose of Transaction.
- Step 6: I-enter ang na-receive na OTP.
- Step 7: Success! Tignan ang iyong napiling destination account para ma-check ang claimed remittance.
34. Ano ang VISA Virtual Card?
Ang VISA Virtual Card ay isang digital card na available lamang sa mga fully-verified users ng eCebuana app. Katulad ng physical bank card, mayroon itong sariling unique card number, expiration date, at CVV (Card Verification Value). Dinisenyo ito para sa e-commerce at online purchase transactions upang maging mas madali at secure ang pagbili online.
35. Paano ko I-show at I-hide ang aking VISA Virtual Card?
- Step 1: Buksan ang eCebuana App at mag-login sa iyong account.
- Step 2: I-tap ang “VISA Card” mula sa main menu.
- Step 3: Piliin ang “Show Card Details” upang makita ang iyong virtual card information (card number, expiry date, at CVV).
- Step 4: Upang itago ang card details, i-tap ang “Hide Card Details.”
- Step 5: Ilagay ang iyong 6-digit mobile PIN para sa seguridad.
36. Paano ko I-unlock at I-lock ang aking VISA Virtual Card?
- Step 1: Buksan ang eCebuana App at mag-login sa iyong account.
- Step 2: Pumunta sa “VISA Card” section.
- Step 3: I-swipe ang “Lock my Card” button kung nais i-lock ang iyong virtual card.
- Step 4: Kung nais namang i-unlock, i-swipe ang “Unlock my Card” button.
- Step 5: Ilagay ang iyong 6-digit mobile PIN bilang dagdag na seguridad.
37. Ano ang aking gagawin kung ang aking VISA Virtual Card ay nalock ng Bangko?
Kung ang iyong virtual card ay na-lock dahil sa isang kahina-hinalang transaksyon na na-detect ng bangko, agad na makipag-ugnayan sa Cebuana Cares para sa assistance.
38. Paano ko I-boblock ang aking VISA Virtual Card?
- Step 1: Buksan ang eCebuana app at pumunta sa iyong virtual card.
- Step 2: I-tap ang “Block my card” button.
- Step 3: Ilagay ang iyong 6-digit PIN upang i-confirm ang pagba-block ng card.
39. Paano ako makakapag-add ng email address?
- Step 1: I-open at mag-log in sa iyong eCebuana app.
- Step 2: I-click ang “Profile” button at piliin ang “Profile Details.”.
- Step 3: I-click ang ”Add email“ at ilagay ang e-mail address. Pagkatapos ay pindutin ang “Next” para makapagpatuloy.
- Step 4: I-input ang verification code at i-click ang “Next”. Pagakatapos ay i-check ang profile details para sa update.
40. Safe ba magsend ng money via eCebuana mobile app?
Oo, maaari, basta’t siguraduhin mong tama at kumpleto ang account details ng iyong padadalhan.
41. Ano ang dapat gawin kung nakalimutan ko ang aking PIN?
- Step 1: Buksan ang eCebuana App at pindutin ang “Forgot PIN”.
- Step 2: I-enter ang na-receive na OTP.
- Step 3: I-enter ang Petsa ng Kapanganakan.
- Step 4: Mag-nominate ng bagong 6-digit PIN at i-click ang “next”.
- Step 5: Success! Mag-login gamit ang iyong bagong PIN.
- Step 6: I-review ang details ng transaction, pindutin ang “All good!” para tumuloy.
- Step 7: I-enter ang na-receive na OTP.
REMINDERS:
Pumili ng 6-digit PIN na madaling mong matatandaan ngunit mahirap hulaan ng iba. Ito ang iyong gagamitin bilang password sa pagbubukas at pag-access ng eCebuana App, pati na rin sa pagproseso ng mga transactions sa loob ng app.
42. Ano ang gagawin kung na-kompromiso o na-hack ang aking account?
Kung sa palagay mo ay nakompromiso ang iyong eCebuana account, sundin agad ang mga sumusunod na hakbang:
- Palitan agad ang iyong 6-digit PIN upang maiwasan ang anumang hindi awtorisadong paggamit.
- Huwag kailanman ibahagi ang sensitibong impormasyon tulad ng iyong PIN, OTP, petsa ng kapanganakan, at iba pa — kahit kanino.
- Makipag-ugnayan kaagad sa Cebuana Cares upang maipareport ang insidente at maipasuspinde pansamantala ang iyong account para sa iyong seguridad.
43. Paano ko mapapanatiling secured ang aking eCebuana account?
Maaring sundin ang mga sumusunod upang mapanatiling secured ang iyong account:
- Laging siguraduhin na updated sa latest version ang iyong mobile device at eCebuana App.
- Iwasan na ibahagi ang PIN upang maiwasang makompromiso ang iyong eCebuana account.
44. Hindi ako nakakareceive ng OTP
Maaaring i-check ang mga sumusunod kung hindi nakakareceive ng OTP:
- Siguraduhing updated ang iyong registered mobile number sa iyong account.
- Tingnan kung naka-disable ang Airplane Mode sa iyong device.
- Suriin kung may maayos at malakas na signal ang iyong mobile phone.
- I-restart ang iyong device upang marefresh ang koneksyon at makatanggap ng OTP.
45. Paano i-activate ang biometric log in sa ecebuana app?
Sa kasalukuyan hindi pa maaring gumamit ng biometrics para mag log in sa inyong app.